Ang ugnayan ng Bidyo sa Kabanata
Katulad ng kabanata nina Crisostomo Ibarra at Maria Clara, at Elias at Salome sa Noli Me Tangere, ito ay kabanata rin ng dalawang magkatipan, sina Isagani at Paulita Gomez.
Buhat ng magkatampuhan sa naganap na palabas, Nag-usap ang makasintahan na magtatagpo upang mag-usap. Dito, nagkaroon sila ng pagkakataong magpaliwanag sa isa’t isa.
Ang mga pangarap na tinutukoy sa kabanatang ito ay ang pangarap ng mga estudyante na maitatatag ang Akademya ng Wikang Kastila at gayon din, ang pangarap ni Doña Victorina na makapiling at makasal siya kay Juanito Pelaez. Sa una, dahil sa kagustuhan ni Isagani na maisakatuparan ang kanilang mga balak, nakipagkasundo siya kay Paulita na hindi na ito makikipagtipan sa huli. Ayaw raw maging sagabal ni Isagani sa mga pangarap ni Paulita. Sa ikalawa, dahil pangarap nga ni Doña Victorina na makasal kay Juanito Pelaez, payag raw ang una na si paulita ang makatuluyan ni Isagani upang masolo niya si Juanito. Sa bidyong ito ipinakita ang mga naabong pangarap ng mga estudyante sa Lanao Del Sur.
Ang ugnayan sa iyong sarili
Maiuugnay ko ito sa aking sarili sa kadahilanan na may mga pangarap rin ako na biglang nawala. Noong bata pa ako hindi ko binibigyang halaga ang binigay ng diyos sa akin, ang malinaw na paningin. Nawalan ako ng pag-asa na makakuha ng matataas na marka dahil nagsisi ako sa aking ginawa kaya't nagresulta ito na madala ang maliliit na marka hanggang ngayon. Sa lahat ng akin ginawa yung mga pangarap ko ay nawala. Masakit man sa puso na ito ay nawala sa isang ihip pero kailangan itong iwan at harapin.
Bilang isang estudyante bakit kailangan pag-aralan ang El Filibusterismo?
Ang buhay ni Rizal ay importante sa ating mga buhay dahil sa mga nangyari sa kanya at sa mga mensahe na ibinigay niya noong panahon ng mga kastila. Dito malalaman natin kung paano natin lulutasin ang mga problema sa kasalukuyuan. Bukod sa mga problema na hinaharap ng mga tao sa lipunan, mayroon ring mga sariling problema ang mga tao sa kanilang mga buhay. Posible na ang mga problemang ito ay tungkol sa pamilya, pagmamahal sa isang babae at sa mga panloloko ng mga tao sa kanila.
Ang mga natutunan ko bilang isang mag-aaral ay ang mga katangian na itinataglay ni Rizal ang pagiging isang mabuti at masipag na tao. Sa mga akda na isinulat ni Rizal, siya ay nagpapakita ng kasipagan, kabutihan, katapangan, at ang pagbubukas-isip sa lahat ng bagay. Sa mga mensahe ni Rizal sa dalawang akda na ipinakita nito, maaari ko itong isabuhay sa pamamagitan ng pagtulong sa aking kapwa mamamayan na inaabuso o hindi tinatrato ng maayos. Maari ko rin ipaliwanag sa mga kabataan ngayon kung bakit kailangan nila mag-aral ng mga libro ni Jose Rizal dahil sa mga mensahe na napapaloob dito. Sa mga natutunan ko, puwede ako tumulong sa lipunan kahit man maliit na bagay ito.
Bilang isang pinuno sa hinaharap, paano ninyo pahahalagahan ang El Filibusterismo?
Nilalaman ng El Fili ang mga ideolohiya ni Jose Rizal kasama ang mga problema ng lipunan, may kahalagahan pa ito kahit pagkalipas ng maraming taon dahil ang mga problema noon ay nakikita pa rin sa kasalukuyan. Ang mga sakit tulad ng kamangmangan at katiwalian ay laganap pa rin sa lipunan. Ang mga nobela ni Rizal ay bahagi ng ating kultura bilang Pilipino. Kasama sa mga ito ang ating kasaysayan bilang isang bayan. Dapat basahin ang El Fili para matututunan natin kung paano nakamit ng Pilipinas ang Kapayapaan. Ang paniniwala ni Jose Rizal ay ang kabataan ang daan tungo sa kaunlaran at ang kabataan ang pag-asa ng bayan.